Q and A GQ Tagalog

Tanong: Bakit tinawag ni Hesus ang Ama na higit na dakila kaysa sa Kanya?

Sagot: Sinabi ni Hesus na higit na dakila ang Ama kaysa sa Kanya dahil nagpapasakop Siya sa Ama sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakababa upang gawin ang Kanyang kalooban. Iyan ang Kanyang ibig sabihin sa Juan 10:29 at Juan 14:28. Sinabi Niya na sinunod Niya ang kalooban ng Ama kaya ang ibig sabihin na mas dakila ang Ama sa Kanya ay dahil ang Ama ang nagutos sa Kanya  na pumunta sa lupa upang magkatawang tao at ng matubos ang kasalanan ng Kanyang mga hinirang. Ito ang sinabi ni Hesus tungkol sa pagsunod Niya sa utos ng Ama sa parehong aklat at kabanata ng Juan na iyong ibinigay: "Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito'y kunin kong muli. Walang makakakuha ng aking buhay; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kuning muli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama (Juan 1017-18).

Bagama't sinabi ni Hesus na higit na dakila ang Ama kaysa sa Kanya, hindi naman Niya sinasabi na ang Ama lamang ang Diyos at Siya ay hindi Diyos o mas mababa ang kanyang pagka Diyos sa Diyos Ama. Kapansin pansin at hindi mapapabulaanan ang katotohanang ito: WALANG KAHIT ISANG pangungusap o talata sa Bibliya na nagsasbi na "Si Hesus ay HINDI Diyos." Wala ring nagbawal kahit isa sa Bibliya na Siya ay tawaging Diyos. Sa halip ang Diyos Ama mismo ang tumawag ng Diyos sa Kanyang Anak na si Hesus. Ito ang sinabi sa Hebreo 1:8, " Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya,"Ang iyong trono, O Diyos a ay magpakailan pa man,ikaw ay maghaharing may katarungan."


Kung mayroong isang napakahalagang katuruan na hindi maaaring hindi ituro ng Diyos ay ang pagkakakilanlan kay Hesus. Kung si Hesus ay hindi Diyos, tiyak na tiyak na ituturo ng Dios Ama sa Bibliya na Siya ay HINDI Diyos dahil napakahalaga ng bahagi ni Hesus sa kaligtasan at pananampalataya ng tao.  Ngunit sa kabaliktaran, napakaraming mga talata sa Bibliya na nagtuturo na si Hesus ay Diyos at wala ni isa mang talata na nagsasabi na Hesus ay hindi Diyos o kaya nama'y si Hesus ay tao LANG.

No comments:

Post a Comment